Tuesday, October 8, 2013

Uncovering the Epic Manhole Cover

madalas walang silbe ang mga 'manhole cover'

kapag bumuhos na ang ulan, na sobrang lakas... dahil sa basurang kasama ng tubig e magiging useless din ang manhole cover... aalisin na lang, at isasantabi. ingat ka na lang sa pagdaan, pagnahulog ka... sorry

try mo yan apply sa totoong buhay in a literal way. useless ang manhole cover kung makikipambuno ka lang sa 'basura', kelangan alisin or else aapaw... pasensyahan kung masaktan ka sa kawalan ng 'manhole cover'

masarap ikonek ang mga bagay bagay na wala namang kinalaman sa buhay mo. pampagulo.

ngayon...

i-try natin ireword in a figurative way... para mas klaro. para may konting sense ang pagkonek ko sa bagay bagay na walang kinalaman sa buhay mo... tapos i-apply natin sya sa isang controversial at hot na hot na topic ng kahit sinong chismoso at chismosa... usapang lovelife

madalas walang silbe ang mga panakip-butas

kapag bumuhos na ang galit at emosyon na sobrang lakas... dahil sa mga kontrabida at nagpapabida e magiging useless din ang panakip-butas... aalisin na lang, at isasantabi. ingat ka na lang sa pagdaan, pagnatrap ka, at nahulog ka, magsama kayo ng kontrabida at nagpapabida.

try mo yan apply sa totoong buhay in a figurative way. useless ang panakip-butas kung makikipambuno ka sa kontrabida o sa mga nagpapabida, kelangan alisin ang panakip-butas or else world war 3 yan... pasensyahan kung masaktan ka sa kawalan ng panakip-butas... walang sisihan friend

nakuha mo ba ang koneksyon ng mga walang kakwenta kwentang bagay na walang kinalaman sa buhay mo?