Thursday, May 23, 2013

That fat commuter's dilemma

I don't drive. And I don't have the drive to drive yet.

Most of the time I take the public utility vehicles (PUVs) in travelling, and sometimes my size matters when finding a seat in any of these mode of transportation.

The Joys of Riding the Jeepney
Minsan may mga jeep na pinagkakasya ang 10 sa waluhang upuan ng kanilang jeepney. Swerte ka na lang kung dun ka sa side ng mga malnourished petite mapapaupo dahil kahit isang dosenang payatot ang isaksak mo sa sasakyan, quits lang, ika nga ng mga kapatid nating berde... 'keribells'.

Masaklap lang kung aalis na yung sasakyan, tapos isa na lang yung upuan na natira... tapos pang kalahating pwet mo lang yung kasya. Worse, ang ibabayad mo is just the same regular fare na binabayad ng mga frenteng frente ang upo (hindi ba pwedeng kalahating pwet = kalahating fare lang?). Hindi ko maintindihan sa mundo kung mali ba ako o talagang nag iinject ng anesthesia ang mga barkers bago sila mag duty sa kalsada. Wala silang pakiramdam e. Alam nilang mataba ka, pero gusto nilang isaksak ka sa isang sulok. Kuya, maawa ka naman po sa mga payatot na masasagasaan ng mga taba ko, ayoko pong magalit sila sa akin dahil sa kagagawan at pagpupumilit mo. Maging fair lang po sana, 'pag di na kasya, wag ipilit.

Riding in Tandem
After the accident last 2010, I am never riding a motorcycle again (except for very short distances siguro). Ayon sa 2011 statistics, out of 11,414 road accidents that occured from January to September of 2011, 2,788 of which are motorcycle accidents. Oo na, 2011 pa nga yun, pero hindi natin pwedeng i-set aside yung number na yun. Ayoko dumagdag sa listahan if ever, especially if 1,074 are killed sa 11,414 accidents. Basta ayokong dumagdag. Period.

Bus Stop, Stop Bus
I find riding buses more comfy than jeepneys. Not because they have ac cooling system or whatever, but what makes it comfy depends on the bus' seats. My family stays in a nearby province and to get there, you have to take a bus ride. Masarap, 1 1/2 hours kang bumibyahe. Pwede kang matulog, pwede kang kumain, pinaka-panalo na yata yung magpeplay si manong konduktor ng walang kamatayang Apocalypto movie. I commend one konduktor though, kasi he played two John Lloyd Cruz' movie on the trip from Batangas to Alabang. Sana sa susunod, wala nang Apocalypto movie... its so 2006 kasi.

So anong problema ko sa bus then? Wala namang bus na isahan lang ang seat. You have to share to either two or one passenger. Medyo swerte ka pa kung mauuna ka, pwede ka sa may bintana with matching tutok sa face mo nung aircon. Pero paano na kung nauna sila at ayaw ka nilang paupuin dun? Tiis tiis syempre. Pauupuin ka naman nila sa may bintana... Yun eh kung nandun ang sikat ng araw na nakakatusta ng balat for the entire trip. Tiis tiis syempre.

Minsan naman, ayaw nila magpaupo ng mataba. Nuff said.

Training self in Trains
Siksikan ang train sa Pilipinas, especially yung sa PNR. Syempre, ang mga Pinoy mahilig sa mas mura, sa halagang Php 20.00 makakapunta ka na from Alabang to Tutuban. Hassle lang talaga ang sistema dahil sobrang siksikan to death ang mga pasahero. Lahat gusto ng mura, lahat gusto makasakay, so lahat magtiis sa amoy, lagkit, init, at lahat lahat ng pwede mong maranasan sa pagsakay sa tren.

Medyo sophisticated pa ng konti sa LRT at MRT trains. Mas malamig ang aircon nila. Mas madali ang pagdating ng mga trains so hindi gaanong siksikan ang mga tao if not during the rush hour. Pero kung rush hour yan, lahat magtitiis sa amoy, lagkit, init at lahat lahat ng pwede mong maranasan sa pagsakay sa tren. Oo, inulit ko lang, same boat naman eh! (same train 'ata).

At syempre pag mataba ka, good luck and welcome to the gates of hell (credit goes to sir Dan Brown, kahit hindi Manila ang dinidescribe ko).

Kung magtratravel ako via boat and plane, ito na siguro yung matatawag kong heaven dahil wala akong nararamdamang difference sa mga karaniwang payatot. Kaso lang, you don't take a plane ride papuntang Makati or QC. Hindi ka rin mag-boat ride kapag galing ka sa Pasay papuntang Alabang. So the fat commuter needs to face every dilemma, everyday.

I don't drive. And I don't have the drive to drive. Good luck saken.



Monday, May 20, 2013

Sino si Tabachingching?

"Dibaleng mataba... maganda naman"

Siguro nga ito na yung pinaka-lame na excuse sa tuwing tatawagin nila akong 'mataba'.

Taba. Chubby. Babsie. Tabachingching. Tabs. Biik.
Halos ng lahat ng ito, narinig ko nang ini-associate sa pangalan ko. Kasi naman nga, anlaki-laki ko. Alam ko namang hindi lang naman ako ang may ganitong kaso; marami kaming magkakalahi, at ayon sa estadistika (hunaks!) ay lalo pa kaming dumarami sa paglipas ng buwan at mga taon.

Marami kami. Pero iba-iba ang pananaw namin sa buhay. May bahaging negative, at meron namang positive, minsan may iba rin na hanggang ngayon hindi nila alam if matutuwa ba sila sa current state ng kanilang waistline at timbang. Ako? Kasama ako sa may positive outlook sa buhay, kahit minsan nasa gitna rin ako at hindi alam kung ano ba ang dapat gawin sa estado ng aking buhay.

Pati pananaw ng ibang tao, iba-iba rin. May natutuwa, may naiinis, may tamang trip lang kasi ngayon lang sila nakakita ng naglalakad na aparador. Nakakatuwa ang mga taong natutuwa sa tulad namin. Iba naman ang kaso ng mga taong ginagawa kaming katatawanan. Sa tuwing lalaitin ang mga tulad naming extra ang size, iniisip na lang namin ang pagdating ng panahon ng tag-gutom kung saan lahat ng payat ay mamamatay na, pero kaming mga mataba ay papayat palang bago mamatay.

Tulad ng iba... hindi ako mataba noon. Takot na takot na ako sa tuwing lalampas sa 45 kgs. ang timbang ko. Pero siguro nga, tadhana na ang nagtakda ng aking kapalaran. Ang maging mataba. Kung ano man ang dahilan nito, isa itong mistulang nobela (kaya pass muna ang kwento).

Minsan naiisip ko, ano kaya ang buhay kung hindi ako mataba? Siguro, ibang-iba. Pero kung ano man ako ngayon, no regrets.

Mataba ako. Hindi ko ito ikinahihiya.